Ang pagiging Asyano ay tunay nga namang maipagmamalaki sa buong mundo dahil sa mayaman na kultura at paniniwala ng mga bansang nabibilang sa kontinenteng ito. At bilang isang Pilipino na mamamayan ng Asya, masasabi ko na kung kultura at paniniwala ang pinagbabasehan ng pagiging mayaman ng isang bansa ay siguradong isa na ang Pilipinas sa nangunguna dito. Pagkat alam naman natin na sa mga tradisyon pa lamang ay may ipinagdiriwang araw - araw sa iba't - ibang bahagi ng bansa.
asulpuladilaw.blogspot.com |
nasyonalistikpinoy.wordpress.com |
Masasabing talagang iniingatan ng mga Asyano ang sari - sariling kultura at paniniwala kaya naman patuloy itong umuusbong sa paglipas ng panahon. At ang mga Pilipino na may malaking naiibahagi sa Asya pagdating sa kultura at paniniwala, sana ay patuloy pa natin itong pagyamanin ng mga ngayon pati na rin ang mga susunod pang henerasyon bilang pagpapakita ng pagpapahalaga natin sa pagiging isang Asyano.